Empleyado niratrat

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 21- anyos na empleyado ng isang kilalang hotel ng mga miyembro ng isang fraternity na kamag-anak umano ng mga opisyal ng barangay at dating nakaalitan ng kaibigan ng una sa Tondo Maynila. Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Alejandro Hilvano, em­pleyado ng Bayview Park Hotel. Patuloy namang pinag­­­hahanap ang suspek na nakilala sa alias na “Buma”, may edad sa pagitan ng 20-22 anyos, may taas na 5’5’’ hanggang 5’6’’, kalbo ang gupit ng buhok at may tattoo sa katawan at isang alias Ferdie Mark o Mak-mak, tinatayang 20-22 anyos, may taas na 5’6 hang­gang 5’7’’, kalbo ang gupit ng buhok. (Gemma Garcia)

Show comments