Tiniyak ng pamunuan ng Phil. Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dalawang araw pang makakaranas ng pag-uulan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Bobby Rivera, weather forecaster ng PagAsa kahapon na ito umano ay dahil sa tail end ng cold front at hindi dahil sa bagyo. Partikular na nakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at posible pa umanong tumagal ito ng dalawang-araw.
“Wala tayong bagyo sa Philippine area of responsibility. May tail end ang cold front na nakakaapekto sa Luzon. Sa Visayas at Mindanao naman, ang inter-tropical convergence zone”, pahayag ni Rivera.
Ang buong Metro Manila anya at ang silangang bahagi ng Luzon ay parehong makakaranas ng maulang panahon sa susunod na dalawang-araw. Una nang tinaya ng PAGASA ang isang mainit na Pasko at maaaring magpatuloy hanggang New Year. Sa Metro Manila naman ay makakaranas ng temperaturang mula 21 hanggang 33 degress celcius sa susunod na limang araw. (Angie dela Cruz)