1 dedo sa onsehan

Isa ang patay saman­talang isa pa ang nasu­gatan matapos umano ang onsehan sa larong cara y cruz kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa Maynila.

Namatay habang gina­gamot sa San Juan Hos­pital ang biktimang si Car­lito  Guitang, may-asawa, isang fabricator ng Old Sta Mesa, Manila sanhi ng sak­sak at palo ng tubo sa ka­tawan habang gina­gamot din sa naturang ospital ang anak nitong si Carwing,15, na nag­tamo naman ng sak­sak sa kata­wan at kamay.

Patuloy namang pinag­ha­hanap ng pulisya  ang sus­pek na si Jonet Her­nandez, 30.

Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na nagka­roon ng mainitang pagta­talo sa larong cara y cruz ang bik­tima at ang suspek hang­gang sa maganap ang kri­men. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments