Replica guns, porno materials sinamsam

Kinumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang iba’t ibang uri ng porno materials at replica guns sa pagsalakay sa ilang lugar sa Quezon City kahapon.

Ayon sa ulat, isinagawa  ang pagsalakay sa mga tin­dahan sa Muñoz Market, Roose­velt Avenue corner Edsa, Quezon City.

Daan-daang smut magazines at pornographic tabloids tulad ng Xpose, Xmagz, Nudity, Malemodel, Rated XXX, Troika, Lollipop, TT.com, Sagad, Night Life, at Toro ang nakumpiska sa pagsalakay.

Kinumpiska rin ng ope­ratiba ang isang puwesto na nagtitinda ng 127 piraso ng assorted pellet gun replicas, na bukod sa may dulot na panga­nib sa mga bata ay maari ring gamitin sa panghoholdap ng mga masasamang elemento.

Ang operasyon ay isina­gawa alinsunod sa direktiba ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr. na paigtingin ang kampanya kontra mga toy gun na mistulang totoo at nagagamit din sa iba’t ibang uri ng krimen. (Danilo Garcia)

Show comments