Waiter utas sa tomboy

Patay ang isang 23- anyos na waiter, ha­bang  sugatan  naman ang may-ari ng videoke  bar nang pagsasaksa­kin ng isang tomboy na ka­nilang sinisingil ka­ha­pon ng madaling- araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Mary Johnston Hospital ang waiter na si  Felipe Albea, binata ng 138 Sto. Niño St., Tondo, ha­ bang ginagamot naman sa nasabi ring os­pital si Nieves Tu­maob, 39, dalaga,  may-ari ng Nening Videoke Bar, at residente ng 138 Sto. Niño st., Tondo. Ang dalawa ay kapwa nag­tamo ng saksak sa ba­likat at dibdib.

Arestado naman ang suspect na si Laiza Duran, 27, dalaga, ng 214 Masikap St., Tondo.

Sa report ng pulisya, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang naganap ang pananak­sak  sa harapan ng ba­hay ng suspect.

Nauna dito, nag-inuman ang suspect at tiyuhin nito sa Nening Videoke Bar at naka­ubos ng dalawang bote ay nagdesisyon nang umuwi.

Pinigilan ang dalawa ni Nieves dahil hindi pa nito na­ba­bayaran ang ka­nilang nainom na nag­kaka­halaga lamang ng P70.

Sinabi umano ng suspect na magbaba­yad siya subalit iuuwi muna nito ang lasing nitong tiyuhin.

Upang hindi na lu­maki pa ang  usapan  ay  pinayagan na la­mang ni Nieves na  umuwi ang suspect at tiyuhin. Ngunit agad din itong sumunod kasama sina Albea at dalawang waitress na sina Lea Ra­vas at Rowena Padora.

Nang nasa harapan na ng kanilang bahay ang suspect ay tina­nong nito kung mag­kano ang kanilang na­inom na  sinagot naman ni  Albea ng “P70 la­mang,” saka muli nitong pinaghintay.

Pagbalik ng suspect ay agad nitong inunda­yan ng  saksak si Albea at nagbitaw ng salitang “Ito ang bayad ko.” Ti­nangka naman  ni Nie­ves na umawat subalit siya naman ang binali­ngan ng saksak ng suspect.

Sa isinagawang fol­low-up operation na­aresto ang suspect na ‘tibo’ sa loob ng kani­lang bahay. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.

Show comments