Sumakabilang-buhay na kahapon si Anti-Smuggling Task Force (Subic) chief ret. Lt. Gen. Jose Calimlim, 62, sanhi ng “multiple organ failure” habang siya ay nakaratay sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Si Calimlim ay nag-alay ng kanyang serbisyo sa AFP sa loob ng 38-taon, naging ISAFP Chief at Director ng Task Force Aduana simula 1995.
Si Calimlim, (graduate ng PMA Class ’68) ay itinuturing din na “trusted aide-de-camp” ni dating Pangulong Estrada at Vice Chief of Staff ng AFP sa panahon ding iyon.
Personal na pinili ni Pangulong Arroyo si Calimlim noong 2001 upang mamuno sa itinalagang Anti-Smuggling Task Force sa Freeport Zone kasabay ang pag-upo nito bilang presidente ng Freeport Service Corporation (FSC), subsidiary ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). (Jeff Tombado)