7 dormitoryo sa Maynila isinara

Pitong dormitoryo sa Maynila ang tuluyan nang ipinasara ng city govern­ment matapos na hindi sumunod sa kanilang re­gulasyon sa kabila ng pana­wagan at abiso upang mapanatili ang kaligtasan ng mga ito.

Isinara ang mga dor­mitoryo na pagmamay-ari ni Gigi de Guzman, ng 832 S.H. Loyola St.; Ernesto Inna­rientos, 1200 S.H. Loyola St.; Eduardo del Rosario ng 836 B.F. Cayco St.; Luna Villa , 837 M.F. Jhoc­son St.; Carmelita Siongco at Jesusa Lopez ng #850 Jhocson St.; at Andrea Fajardo ng 533 Di­masalang St., na pawang nasa Sampaloc, Maynila.

Isang dormitoryo din sa sa Sta. Cruz na umano’y pag-aari ni Amanda Cruz na matatagpuan sa 872 Rizal Avenue ang ipinasara din ng city government.

Ayon kay City Adminis­trator Jay Marzan, matagal na nilang nabigyan ng notice of closure ang mga nasabing may-ari ng mga dormitoryo sa Sampaloc at Sta. Cruz sa Maynila.

Iginiit ni Marzan na ito ang isa mga paraan upang mabigyan ng sapat na pro­teksiyon ang mga estud­yante na nangungupahan sa mga dormitoryo parti­kular na sa university belt area.

Sinabi ni Marzan na ang mga dormitoryo ay paulit-ulit na lamang na lumala­bag sa batas at hindi sumu­sunod sa kanilang mga re­gulasyon. Ilan dito ang pag-o-operate ng wa­lang lisen­siya, ­at walang proper ventilation.

Kadalasan na lamang umanong ginagawa ng mga may-ari ng dormitoryo na pinagsisiksik ang mga estudyante bagamat hindi na sapat ang kanilang lugar. (Doris Franche)

Show comments