Minabuti pang mamatay ng isang 38-anyos na lalaki na pinaniniwalaang kawatan kaysa masakoteng buhay ng pulisya makaraang tumalon ito sa maburak na estero sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng umaga.
Natagpuang nakalutang sa Estero de Valencia ang bangkay ni Amelgar Novales Jr., ng Area-D Parola compound sa Tondo, Maynila.
Ayon sa pulisya, namataan si Novales habang papalabas sa Zandrox Bldg. sa #3068 Magsaysay Blvd. habang bitbit ang isang telebisyon na pag-aari ni Gil Sanorjo at ilang pantalon na kinuha nito sa sampayan.
Napag-alamang nakakuha ng atensyon ang ilang tambay matapos na magsisigaw ang ilang residente ng nasabing gusali kaya hinabol ito at umalingawngaw ang isang malakas na putok pero hindi pa rin tumigil sa pagtakas si Novales hanggang sa nakitang tumalon sa naturang estero at hindi na lumutang.
Bandang alas-3 ng madaling-araw nang lumutang ang bangkay ng biktima na may tatlong sugat sa ulo na ang isa ay pinaniniwalaang tama ng bala.