Walang pambayad sa renta, ginang nagbigti

Isang ginang ang nag­pakamatay sa pamama­gitan nang pagbibigti dahil sa umano’y hindi maka­bayad sa renta sa inuupa­hang bahay sa Sta. Cruz, Maynila, ka­ha­pon ng ma­daling-araw. Nakilala ang nasawi na si Rowena Navarro, may-asawa ng 2315 Int., Felix Huer­tas St., Sta. Cruz, Manila. Nabatid mula sa imbes­tigasyon ng pulisya na na­tagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-4 ng madaling-araw  sa loob ng inuupahang bahay ng bik­tima. Ayon sa mister nitong si Rogelio, may ilang araw na umanong namomroblema ang kanyang misis kung saan sila kukuha ng pambayad ng renta sa kanilang inu­upa­hang bahay. Nagbigay umano ng ultimatum ang kanilang land­lady at palalayasin na sila kung hindi pa rin maka­kabayad sa kanilang pagkaka­utang. (Grace dela Cruz)

Show comments