Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 28-anyos na binata makaraang magkaroon ito ng diperensya sa pag-iisip dahil sa sobra umanong paggamit ng droga kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Dakong alas-11:10 ng gabi ng makitang nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto si Albert Santos, residente ng 30 Pearl St. Manotoc Subdivision Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito.
Ayon sa report, papasok ng kuwarto si Andrew Santos, nakababatang kapatid ng biktima nang masindak ito ng makitang nakabigti at walang buhay ang kanyang utol gamit ang isang nylon cord na ipinulupot sa kanyang leeg at itinali sa kisame ng kuwarto.
Napag-alaman sa mga magulang ng biktima na nagkaroon umano ng diperensya sa pag-iisip ang biktima dahil sa sobrang gamit ng droga at akala ng mga ito ay tumigil na sa paggamit si Santos ng unti-unting gumaling.
Sa ginawang imbestigasyon natagpuan sa kuwarto ng biktima ang isang kahon ng posporo na may hinihinalang dahon ng marijuana at mga shabu paraphernalia kaya malaki ang paniniwala ng mga ito na hindi pa rin tumitigil ito sa paggamit ng iligal na droga. Kasalukuyang dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime laboratory upang sumailalim sa autopsiya. (Edwin Balasa)