3 dalagita sugatan sa pamamaril ng guwardiya

Tatlong kabataang ba­bae ang nasugatan maka­raang tamaan ng shrapnel ng bala ng shotgun nang pa­putukan sila ng isang security guard dahil sa na­pagkamalang magna­na­kaw ang mga ito sa bina­bantayang subdibisyon sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center ang mga biktimang sina Ma. Theresa Ricelon, 17; Ma­rina Velas, 19; at Reynalin Tagalili, 19, pawang resi­dente ng Brgy. Old Balara, ng naturang lungsod.

Arestado naman ang suspek na si Angelo An­tonio, 28, ng Northern Isa­bela Security Agency at nakatalaga sa Capitol Homes sa Sitio Payona, sa naturang barangay.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 6, na­ganap ang insidente da­kong ala-1 ng madaling araw sa naturang subdibis­yon. Ayon kay Antonio, nagro­ronda siya nang ma­pansin ang mga dalagita  sa madilim na bahagi ng sub­dibisyon at inakala niyang mga magnanakaw.

Dito nagpaputok ng warn­ing shot si Antonio gamit ang kanyang shotgun ngunit itinutok nito ang baril sa semento sanhi upang tamaan ng shrapnel ang mga biktima. Huli na nang mabatid ni Antonio na mga babae pala ang kanyang pinaputukan at malubhang nasugatan dahil sa kan­yang pagpa­putok. Agad na isinu­god ng mga opisyal ng barangay ang mga biktima sa paga­mutan habang sumuko naman si Antonio.

Sa istasyon ng pulisya, iginiit ni Antonio na itinuro umano sa kanilang training ang pagpapaputok sa se­mento bilang warning shot upang walang tamaan kung sa ere ipuputok ang ka­ nilang baril. (Danilo Garcia)

Show comments