Parak na pumaslang sa magkapatid, sumuko

Matapos ang halos dala­wang buwang pagtatago, su­mu­ko sa kanyang opisyal ang isang pulis na bumaril at naka­patay sa isang magkapatid na lalaki sa Quezon City.

Sumuko kay Batasan station chief, Supt. Constante Agpaoa si PO2 Roel Torres upang linisin ang kanyang pangalan maka­raan ang pag­tatago. Nabatid na ito ang pa­ngunahing suspek sa pama­maril at pagpaslang sa magka­patid na sina Renato, 46;  at Re­dento Quare, 40, kapwa resi­dente ng Brgy. Holy Spirit, ng naturang lungsod.

Ayon kay Torres, galing siya sa inuman sa isang birth­day party noong nakaraang Agosto at pa­pauwi na nang harangin siya ng magkapatid sa isang eskinita at tangka umano siyang pagtulu­ngang bugbugin.

Ikinatwiran nito na ipinag­tanggol lamang niya ang sarili nang agad siyang magbunot ng baril at paputukan ang da­lawa.  Isinugod sa East Avenue Medi­cal Center ang mga bik­tima ngu­nit kapwa nasawi rin ang mga ito.

Sinabi ni Torres na natakot umano siya na gantihan ng mga kamag-anak at nagpa­lamig muna kaya siya nagtago.  Handa naman umano nitong harapin ang kasong isasampa sa kanya at ipagtatanggol ang sarli sa korte. (Danilo Garcia)

Show comments