Sekyu ng LRT tinodas

Isang guwardiya ng Light Rail Transit sa Manila ang binaril at napatay ng mga di-kilalang sala­ring lulan ng motorsiklo kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodrigo Navarro ng Kaizen Security Agency.

Ilang testigo na na­kakita sa pangyayari ang nagsabing pababa na si Navarro mula sa hagdan ng istasyon  ng LRT sa Blu­mentritt, Sta. Cruz, Manila  nang biglang lu­mitaw ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima. 

Tinamaan ng bala sa ulo si Navarro.  Agad na tumakas lulan ng asul na motorsiklong XRM ang mga suspek na nakasuot ng itin na dyaket at helmet. 

Isang babaeng gu­wardiya ng LRT-Abad Santos Station na si Ro­salinda David ang nag­sabing, bandang tanghali kahapon, may lumapit sa kanya at itinanong kung saang istasyon naka­talaga si Navarro.

Ipinarating naman ni David kay Navarro sa pa­mamagitan ng text message na may naghaha­nap dito.

Sinabihan naman ni Navarro si David na bang­gitin sa naghahanap sa kanya na hintayin siya sa Blumentritt station.  

Gayunman, wala pang linaw kung iisang tao lang ang naghahanap sa biktima at ang pu­matay dito.

Nabatid sa LRTA na nakunan umano ng video ang suspek sa Jose Abad Santos Station habang hinahanap niya ang bik­tima.

Show comments