Historic sites hanap

Kasalukuyang pinag-iibayo ng pamahalaang lokal ng Quezon City  ang pag­hahanap sa iba pang maka­saysayang lugar sa lungsod tulad ng Pugad Lawin upang magunita ang rebolusyong pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning Pilipino.

“Kailangang hanapin ang mga makasaysayang pook na ito. Nais nating ipre­serba at alagaan ang mga ito bilang paalala sa sakripisyo ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa,” sabi ni Quezon City Mayor Feliciano Bel­monte  sa kanyang talum­pati sa paggunita sa ika-111 anibersaryo ng Sigaw ng Ba­lintawak.

Sinabi ni Belmonte na ma­raming makasaysayang pangyayari ang naganap sa mga lugar na saklaw ng Quezon City.

Show comments