Pintor nagbigti

Isang pintor na si Rogelio Francisco, 43, ng Kalawaan, Pasig City ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay kahapon ng umaga. Hininalang nagawang kitlin ng biktima ang sarili dahil sa dinaranas nitong sakit sa baga na nakuha nito sa  pagtatrabaho bilang pintor.

Isang kumot ang ginamit ng biktima sa pamamagitan ng pagpulupot nito sa kanyang leeg at ipinulupot ang ka­bilang dulo nito sa kisame.  (Edwin Balasa)

Show comments