Kalansay nahukay

Isang pinaniniwa­la­ang kalansay ng babae na 67 taon nang naka­libing ang nahukay sa isang lote sa San Andres Bukid, Manila kahapon ng umaga. 

Natuklasan ng isang Richard  Perado ang buo pang kalansay habang naghuhukay siya para sa isang poso negro ng pi­ na­pagawaan niyang ba­hay  sa loteng pag-aari ng isang Charito Fran sa kanto ng Amatista at Fran­cisco Streets sa San Andres Bukid. 

Nabatid mula kay  Det. Rommel Del Rosario ng Manila Police District-Homicide section na isang 71-anyos na kapit­bahay ni Perado na si Marybobot Ventura ang nag­sabing mayroong isang babaeng inilibing sa naturang lugar noong araw. Pinanini­wa­la­an ni Ventura na ang na­turang babae ang siyang na­hukay na kalansay. 

Inilahad  pa ni Ventura na isang araw lamang umanong pinaglamayan  ang  bangkay ng babae at dahil sa kahirapan ay ini­­libing na rin   sa natu­rang lugar.

Aniya, dating masukal at maraming punong­kahoy sa nabanggit na lugar bago pinatayuan ng bahay.

Lumaki na umano si Ventura sa naturang lugar kaya’t kilala nito ang mga sinaunang tao na tumira dito.

Show comments