Driver ng school bus nanghipo

Inaresto at ikinulong ng pulisya ang driver ng isang school bus service na si Felipe Pica, 56, alyas Bul­ong dahil sa panghi­hipo niya sa batang ba­baeng  grade 1 student sa loob ng sasakyan kama­kalawa sa Pasig City. Ayon sa pangu­nang pag­sisiyasat, habang nagha­hatid ng mga batang estudyante si Pica, bigla niyang hinipuan sa mase­selang bahagi ng katawan ang katabi niyang biktima. Pinabulaanan naman ng sus­pek ang akusasyon. (Edwin Balasa)

Holdapernapatay

Isang umano’y holdaper na si Reuben Alajambra, 24, ang napatay sa paki­kipagbarilan sa mga pulis sa Quezon Avenue, Que­zon City kahapon ng uma­ga. Nakatakas ang dala­wang kasamahan ni Ala­jam­bra sa gitna ng putukan.  Nasabat ng mga tauhan ng QCPD-Galas Station ang mga suspek habang hino­holdap ng mga ito ang mga pasahero ng isang dyipni sa naturang lugar. (Danilo Garcia)

Titserhinoldap ng pulis

Arestado ang isang pulis makaraang makipag­kita ito sa isang guro para ipatubos ang cellphone na ninakaw niya rito sa Man­daluyong City kahapon.  Kinilala ni Sr. Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Man­da­luyong Police, ang sus­pek na si PO1 Melito Papa, 27, nakades­tino sa Re­gional Special Action Unit ng Eastern Police District. Nauna rito, hinoldap umano ni Papa ang isang online teacher ng Philippine Stock Exchange na si Cecilyn Taguilan, 27, habang nagla­lakad ito sa Wack-Wack ng naturang lunsod kamaka­lawa ng hapon.

Kinuha ni Papa ang 3220 Nokia cellphone at halagang P500 ni Taguilan bago tumakas. (Edwin Balasa)

Show comments