Pag-aarmas sa traffic enforcers, ‘no way’ sa Maynila

Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na  hindi niya pa­payagan ang pag-aarmas  ng bolo ng  mga traffic enforcers ng MMDA sa  Maynila.

Ayon kay Lim, bagama’t  wala sa kanya ang desisyon na bigyan ng armas ang mga Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) ka­ilangan pa rin munang isipin ang seguridad ng  mama­mayan.

Aniya, mas makabubuti kung batuta ang ipagamit sa mga traffic enforcers na tulad ng gamit ng mga pulis.

Ipinaliwanag ni  Lim na ang mga traffic enforcers ay hindi dapat na kinatatakutan ng  publiko lalo pa’t ang  publiko ang nagpapasuweldo sa mga ito.

“Kung ikaw ang motorista at may lumapit sa iyong traffic enforcer na may dalang bolo, di ka ba masisindak? Kaya dito sa Maynila, di namin yan pa­payagan,”  ani Lim.

Bukod dito, sinabi rin  ni Lim na hindi magandang tingnan na ang traffic en­ forcers ay armado ng  bolo dahil nag­me­mentina lamang ang mga ito ng daloy ng trapiko. (Doris Franche)

Show comments