Gen. Calderon sa DILG, Gen. Razon PNP chief

Tahasang inihayag kaha­pon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec­retary Ronaldo Puno na uupo sa ahensya bilang Under­secretary si PNP Chief, Director General Oscar Cal­deron sa pag­reretiro nito sa darating na Oktubre.

Isinagawa kahapon ni Puno ang naturang deklaras­yon sa kan­yang talumpati ma­tapos na opis­ yal na ma­numpa bilang bagong Undersecretary for Local Govern­ment si Austere Pa­nadero.

Sinabi ni Puno na kuwa­li­pikado si Calderon na maluk­lok sa isa sa mataas na posis­yon sa ahensya sa pagka­ka­roon nito career service eligi­bility sa Civil Service Commis­sion, at hindi mata­ta­waran na reporma na isina­gawa nito sa PNP sa kan­yang panunung­kulan.

Nagpahiwatig rin si Puno na papalit kay Calderon si Deputy Director for Adminis­tration Gen. Avelino Razon bilang bagong hepe ng PNP.

Iginiit naman ni Puno, chair­man din ng National Police Com­mission na kinakailangan ng pina­ka­mataas na propes­yunalismo sa mga opisyales na hahawak ng sensitibong posis­yon sa PNP, Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) at Bureau of Fire Pro­tection (BFP) upang hindi mag­karoon ng kaguluhan sa pamu­nuan nito. (Danilo Garcia)

Show comments