Brgy. captain tinodas

Dalawang punglo ang bumaon sa ulo ng isang kapitan ng barangay nang pag­babarilin ito hanggang sa mapatay ng dalawa sa anim na hindi nakikilalang kalalakihan habang ang una ay nagsasagawa ng ling­­guhang flag raising ceremony sa mismong ha­rapan ng barangay hall, ka­hapon ng umaga sa Valen­zuela  City.

Si Vicente Benjie Trini­dad, 37, Chairman ng Brgy. Punturin, ng nabanggit na lungsod ay hindi umabot ng buhay sa Montefalco Hos­pital sanhi ng da­la­wang tama ng bala sa ulo mula sa .45 kalibre ng baril.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up at manhunt operation ang mga elemento ng Valen­zuela-PNP laban sa anim na hindi nakilalang salarin na mabilis na nakatakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang na­sa­bing insidente sa mismong harapan ng barangay hall na mata­tagpuan sa F. Faustino Street.

Base sa pahayag ng ilan sa mga nakasaksi sa in­sidente, pinangungu­nahan ng biktima ang ka­ni­lang ling­guhang flag raising cere­mony nang biglang du­mating ang anim na hindi-kilalang kalalaki­ han na armado ng kalibre .45 baril.

Walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawa sa mga suspect ang nabiglang biktima na agad namang na­sapol sa ulo nito.

Agad namang tumakas ang mga suspect lulan ng kanilang get away vehicle na isang kulay silver na L-300 van na may plakang TEW 502.

Hanggang sa kasalu­kuyan ay patuloy ang isina­sagawang imbesti­gasyon sa insidente para mabatid kung sino ang posibleng gumawa nito at kung ano ang motibo rito.

Samantala, naglaan naman ng P.5 -M na pabuya si Valenzuela  City Mayor Sherwin Gatchalian para sa makakapagturo o makaka­aresto sa mga killer ng nasabing kapitan.

Show comments