Nido Petroleum completes $21.9-M shares placement

Ipinahiwatig ng pamunuan ng Land Trans­por­ta­tion Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ta­nging ang posisyon na lamang ng Department of Energy ang hinihintay para makapag palabas na sila ng pinal na desisyon hinggil sa 50 sentimos  fare increase sa pasahe sa mga pampasaherong jeep sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lantion na hanggang sa kasalukuyan ay hinihintay ng ahensiya ang reaksiyon ni Energy Sec­re­tary Rafael Lotilla hinggil sa usapin sa fare increase.

Kahapon, isinalang ulit ng LTFRB sa isang pu­long sa pagitan ng transport groups ang naturang isyu. Sinasabing malaki ang tsansang maibigay ang taas sa singil sa pasahe na sasalubong sa pagbu­bukas ng klase.

Unang giniit ng transport groups na gawing P7.50 ulit ang minimum fare sa mga passenger jeepney dahil sa pagtaas ng halaga ng petroleum products.

Sa kasalukuyan, P7.00 ang minimum fare sa jeep. (Angie dela Cruz)

Show comments