Isang 29 anyos na lalaki ang namatay makaraang makuryente sa tubong napadikit sa isang kawad ng kuryente habang nag-aayos siya ng sampayan sa Tayuman, Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Gilbert Albeza, binata. (Doris Franche)