Uplifting lives of families through entrepreneurship

Dalawang computer shop sa Villa Arca 1 Subdivision sa Baesa, Quezon City ang magkasunod na hinoldap ng limang kataong kinabibi­langan umano ng isang bi­nabae kahapon ng mada­ling-araw.

Unang pinasok ng mga holdaper ang  Netskie computer shop na nakuhanan ng P10,000 cash at dalawang cellphone.

Sinunod nilang hinoldap ang Overage Computer Shop na kinulimbatan nila ng P5,000 kita nito.  Nabatid na nag­pang­gap munang kustomer bago naghayag ng holdap ang mga suspek na sinasabing maliliit,  maiitim at may edad na mula 25 hanggang 30 anyos. (Danilo Garcia)

Show comments