Pinag-aaralan ng isang driver ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa isang ahente ng National Bureau of Investigation na nagpukpok ng baril sa kanyang ulo nang magkagitgitan sila sa trapiko sa Taft Avenue, Manila kamakalawa ng gabi.
Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section ang biktimang si George Lagua, 36, para ireklamo ang isang Atty. Tabu ng NBI.
Ayon sa salaysay ng biktima, minamaneho umano niya ang Toyota Tamaraw na may plakang WMK-371 nang makagitgitan niya ang sasakyan ng NBI agent na Honda Civic na puti at may pla kang WMF-416 sa may Lawton.
Pagsapit sa NBI Headquarters ay bumaba si Tabu na sakay ang anim na iba pa at nang bumaba si Lagua ay kaagad siyang pinalo ng una ng baril sa ulo.
Aniya, makikipag-usap sana siya nang maayos kay Tabu subalit agad naman siyang sinaktan nito. (Doris M. Franche)