MMDA to help solve Bacoor traffic problem

Dahil sa matinding depression sa buhay,  isang ginang na  ba­gong panganak ang nagpati­wakal matapos itong maglaslas ng pulso at magbigti sa  Quezon City  kahapon  ng umaga.

Kinilala  ng  pulisya  ang biktima na si Jenni­fer Berdon, 26, may­bahay ng construction worker  na si Veenjoly Ber­don, 30, na kapwa nakatira  sa Sitio  Ma­bi­log  Brgy. Culiat, Que­zon City.

Dakong alas-9 ng umaga nang matagpu­an ang ginang na na­kabitin mula sa  kisame  ng gi­nagawang esku­we­lahan sa may Lagro, Quezon City.

Ayon  sa pagsisiya­sat  ng Scene  on  the Crime Operatives ng Quezon City Police Dis­trict, nag­laslas muna  ng pulso ang  biktima  bago nag­bigti gamit  ang  isang   sin­turon.

Bago maganap ang insidente,   dinalaw uma­­no ng biktima ang asawa nito na stay-in sa gina­ga­wang eskuwe­lahan at  dahil sa matinding de­pres­sion sa buhay kung kaya’t nagawa nitong magpatiwakal. (Lordeth Bonilla)

Show comments