The Manila Symphony Orchestra II: sharing music

Sinalakay kamaka­lawa ng gabi ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang Silvercrest Reha­bili­tation Center sa BF Homes, Parañaque at sinagip si Carol Casta­ñeda na asawa ni da­ting Manila Congress­man Mark Jimenez.

Tinangka pa ng ka­patid ni Jimenez at isa sa may-ari ng Sil­ver­crest na si Diana Cres­po na tanggihang ibi­gay sa NBI si Casta­ñeda pero hindi siya umubra sa mga arma­dong ta­uhan ng ahen­sya.         

Isang abogado ni Castañeda na si Lorna Kapunan ang nagsa­bing may hawak silang kautusan ng Supreme Court sa NBI na kunin ang babae sa Silver­crest.

Ipinaliwanag naman ni Crespo na ipinagta­tanggol lang nila ang sarili nilang tahanan.

Sinabi rin ng pa­milya ni Castaneda na ipapasuri muna nila ito para matukoy kung iniiniksyunan ito ng iba’t ibang gamot ha­bang nasa rehabilita­tion center.

Show comments