Tiniyak ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte na hindi kakapusin ang mga silid aralan sa pagbubukas ng pasukan sa Hunyo kahit pa dumagsa ang bilang ng mga mag-aaral.
Ayon kay Belmonte, nakatayo na ang pitong bagong mga paaralan at maaari na itong magamit sa darating na pasukan na inaasahang mga dagdag na kabataang estudyante na bubugso sa simula ng klase sa susunod na buwan.
Ito ay ang San Agustin Elementary School, Placido del Mundo Elementary School, San Bartolome Elementary School, Kaligayahan Elementary School, Maligaya High School, Commonwealth High School at Judge Juan Luna Hig School.
Noong Pebrero 28,2007, may 43 bagong school buildings na bumubuo sa 727 classrooms ang naipatayo ng pangasiwaan ni Mayor Belmonte. Ang District 2 na may pinaka maraming bilang ng mahihirap na mamamayan ang nakakuha ng mas maraming benepisyu sa programang ito ng City govt.
Bukod sa naitayong mga bagong paaralan, may ginagawa pang school buildings tulad ng San Diego Elem School, Lucas Pascual Elementary School, North Fairview Elem School, Commonwealth Elem School, Culiat Elem School, Payatas Elem School, Lupang pangako Elem School, Fairview Elementary School, Lagro Elem School, San Bartolome School, Batasan National High School, Novaliches High School, Bagong Silangan High School at Holy Spirit High School. (Angie dela Cruz)