Bataan cop chief belies Gonzales’ charges

Nadakip na ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat sa limang suspek na hinihinalang pumaslang sa deputy chief ng Makati police station sa isinaga­wang follow-up operation sa pinagku­kutaan ng mga ito, kamaka­lawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ni QCPD Di­rector, Senior Supt. Mag­tanggol Gat­dula ang isa sa mga sus­pek na si Ber­nardino Peralta. Pan­sa­mantala namang hindi muna inilabas ang pagka­kakilanlan ng tatlo pang na­dakip habang isinasaila­lim pa sa interogasyon.

Ayon sa isa sa mga saksi na kumilala kay Peralta, ito ang bumaril sa ulo ng na­sawing si P/Supt. Joven Bo­calbos, 38, ma­tapos na holda­pin ang ipi­na­pasada nitong Nissan Urvan nitong Miyer­kules ng gabi sa Common­wealth Avenue.

Nasakote ang apat na suspek sa isinagawang ope­ras­yon ng pulisya sa San Roque 2, Bagong Pag-asa, Quezon City matapos na makilala ng mga awto­ridad base sa nilikhang cartographic sketch ayon sa paglalarawan ng mga saksi.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang palibutan ng mga pulis ang kanilang ba­hay na pinagtataguan habang pinaghahanap pa ang posib­leng ikalima pang suspek.

Isinalaysay ng saksi na nagdeklara ng holdap ang mga suspect nang sumapit sa Litex Road paglagpas sa Com­monwealth Avenue.  Pu­wersahang pinaalis si Bo­calbos sa driver’s seat ng sus­pek na si Peralta kung saan nabuksan ang belt bag nito at lumitaw ang kanyang kalibre .45 service firearm.

Nang makahalata na pulis si Bocalbos, dito na ito binaril ni Peralta sabay sabi na pulis din umano siya.  Minaneho na ng mga sus­pek ang van at nagsi­babaan pagsapit sa Shaw Boulevard sa Mandalu­yong City ang mga suspect.

Habang isinugod naman ng isa niyang pasahero sa pagamutan si Bocalbos pero hindi na ito umabot pang buhay.

Patuloy pa ngayon ang isinasagawang imbestigas­yon ng pulisya sa mga suspek habang hinihintay pa ang ibang mga saksi upang kilala­nin ang mga nadakip na suspek. (Danilo Garcia)

Show comments