weather forecast

Patay ang deputy chief ng Makati police station matapos na barilin sa ulo ng limang hindi pa naki­kila­lang suspek na nangholdap sa loob ng kanyang van na ipinapasada, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si P/Supt. Joven Bocalbos, na­katalaga sa Makati Po­lice Station.  Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa ulo na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, dakong alas-8 ng gabi nang ipang-sideline ni Bocalbos ang kanyang Nissan Urvan (XED-744) nang kumuha ng pasa­hero sa MRT-Quezon Avenue.  Bumi­yahe ang biktima nang ma­puno ang sasakyan ngunit lumabas na 5 sa 13 pasa­hero ay mga holdaper.

Nagdeklara ng holdap ang mga suspek habang bina­bagtas ang kahabaan ng Commonwealth Avenue ma­lapit sa Tandang Sora, Que­zon City.  Sinasabing ki­nap­kapan ng isa sa mga suspek ang biktima at nang mabatid na may karga itong kalibre .45 ay saka ito binaril sa ulo. Mina­neho naman ng mga suspek ang sasakyan at nagsiba­baan sa Shaw Boule­vard sa Man­dalu­yong City. Isa naman sa mga na­iwan na pasahero ang nagmaneho sa sa­sakyan at isinugod ang biktima sa MTEG Medical and Diag­nos­tic Center kung saan hindi na ito umabot ng buhay.

Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gat­dula na may deskripsyon na sila ngayon ng mga sus­pek base sa pahayag ng mga saksi at nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang kan­yang mga tauhan upang makilala ang mga ito.

Inaalam rin ng pulisya kung mga ordinaryong holdaper ang mga suspek o mga ba­yarang hitman tulad ng pa­ngamba ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Ro­berto Rosales.  Ayon dito, nakakatanggap si Bo­calbos ng maraming pagba­banta sa kanyang buhay at maraming kaaway na posib­leng may motibo upang ipa­likida ito.  Nabatid na itinalaga bilang deputy chief ng Makati police si Bocalbos tatlong linggo pa lamang ang naka­karaan. Bago ito, nagsilbi itong intel­ligence officer ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Show comments