Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election (COMELEC ) si Mayor Florencio Bernabe, Jr. bilang nanalong Mayor sa Parañaque sa nagdaang eleksyon sa lungsod. Ito ang ikalawang term ni Bernabe.
Umungos ng husto si Bernabe sa kanyang katunggali sa isinagawang canvassing ng board of canvassers. Si Bernabe na nahirang na 2006 Outstanding City Mayor of the Philippines ay nangakong ipagpapatuloy ang kanyang mga reporma at programa na sinimulan sa lungsod.
Kasama niyang naiproklama ang mga nagwaging Kongresista na sina Representatives Roilo Golez para sa ikalawang distrito at Ed Zialcita sa unang distrito.