Reds capture four Army officers in Abra

Sa Navotas  dakong alas-2 ng madaling-araw kahapon nang iprinoklama na rin ng lokal na board of canvassers si incumbent Mayor Tobias “Toby” Tiangco bilang nagwaging alkalde ng Bayan ng Navotas kung saan nakakuha ito ng malaking boto laban sa kalaban nitong si dating Congressman Federico “Ricky” Sandoval III. Si Tiangco ay nagtamo ng 42,031 boto, samantalang si Sandoval naman ay nakakuha ng botong 22,019.  Nagwagi ding  Vice-Mayor ng bayan si Patrick John “PJ” Javier laban sa katunggali nitong si Daniel Bautista na anak ni dating Navotas Mayor Efren Bautista kung saan iprinok­lama ito bandang alas-8 kahapon din ng umaga. Nag­tamo ng 43,271 boto si Javier, samantalang si Bautista naman ay nagtamo naman ng 30,569. (Lordeth Bonilla)

Show comments