Teves replies

Pormal nang iprinoklama ng   Commission on Election (COMELEC) si Mayor Canuto “Tito” Oreta bilang punong lungsod ng Malabon at iba pang mga nanalong kandidato sa katatapos na halalan noong nakalipas na Mayo 14.  Si Mayor Oreta ay gumawa ng kasaysayan sa larangan ng pulitika sa Malabon sa dahilang “unopposed” sa labanan ng pagka-punong-lungsod at nakakuha ito ng 95 percent na  boto sa kabuuang 165,000 registered voters.  Bitbit nito  sa tagumpay ang lahat ng kandidato sa binuong “Team Unity” ticket na kinabibilangan ni Vice Mayor Arnold Vicencio na nanalong pangalawang punong lungsod ng Malabon sa ikalawang pagkakataon. Si Antolin “Len-Len” Oreta III na anak ni dating Senadora Tessie Aquino-Oreta ang number one naman sa labanan ng mga konsehal sa kanyang lugar sa distrito 1 na nakakuha ng pinakamalaking boto sa buong lungsod. Kasamang nanalong mga konsehal sa District 1 base sa ranking ng nakuhang mga boto. Sina Ricky Bernardo, Dan Dumalaog, Oliver Ramos, at Ian Borja na pawang tumakbo sa ticket ng Team Malabon. Nakuha ni Leslie Yambao na tumakbo sa ilalim ng Lakas na siya namang nakakuha ng pang-anim na puwesto sa pagka-konsehal .Lima sa anim na konsehal sa District 2 ay mula sa Team Malabon na sina Eddie Nolasco, Rogie Yanga, Rufino Bautista, Tato Espiritu at Boyong Mañalac. Muling nahalal si Konsehal Dado Cunanan na tumakbo bilang In­dependent candidate. (Lordeth Bonilla)

Show comments