Foreign observers say polls in southern Philippines more dangerous than Afghanistan

Iniulat na dinukot ng walong armadong kalalakihan ang asawa ng kontrobersiyal na negosyanteng si Mark Jimenez sa harap ng kanyang bahay sa Makati City.

Ayon sa ulat sapilitang dinala ng mga armadong suspect si Carol Castañeda dakong alas-10 ng umaga sa harap ng tinu­tuluyan nitong Makati Tuscany Condominium. Nabatid na kata­tagpuin ni Castañeda ang kanyang lawyer na si Lorna Kapunan nang maganap ang insidente.

Nabatid pa na nakatakdang dumalo sa isang pagdinig si Castañeda at ang lawyer nito para hilingin sa korte na gawing permanent ang temporary protection order laban kay Jimenez.

Magugunitang inakusahan ni Castañeda si Jimenez na verbal at pisikal na umabuso sa kanya at maging sa kanilang mga anak. Naniniwala ang kaanak ni Castañeda na may kinala­man si Jimenez dito.

Sa radio interview sa DZMM, sinabi ni Jimenez na hindi dinukot ang kanyang asawa kundi ito ay natutulog at ginagamot ng mga doktor. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments