Isang obrero na si Harry Rosit, 21, at electrician na si Dante Molleda, 57, kapwa residente ng Tandang Sora, Quezon City ang namatay nang pagsasaksakin sila ng kapitbahay nilang sign artist na lasing na si Ernesto Lacanilao makaraang magtalo-talo sila hinggil sa mga iboboto nilang kandidato sa eleksyon habang dumadalo sila sa isang lamayan sa naturang lugar kamakalawa ng gabi. Agad na tumakas si Lacanilao pagkatapos ng pananaksak.
(Danilo Garcia) Isang 17-anyos na estudyanteng Filipino-Chinese na si Kevin Peterson Uy ng Morning Breeze Subdivision, Caloocan City ang nasawi nang mabangga ng humahagibis na Honda Civic na may plakang XMT 314 at minamaneho ng Koreanong si Woon San Jang, 46, ng PNB Financial Center sa Pasay City ang sinasakyan niyang motorsiklong Isuzu na may plakang ZR7130 sa Diosdado Macapagal Boulevard sa Parañaque City kahapon ng madaling-araw. Nasa pangangalaga ng pulisya ang Koreano
. (Rose Tamayo-Tesoro) Tukayo ni Peewee diniskwalipika |
Pinuri kahapon ni reelectionist Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad ang desisyon ng second division ng Commission on Elections noong Mayo 4 na nagdedeklarang isang nuisance can didate o panggulo sa halalan ang kaapelyido niya at kumandidato ring alkalde sa lunsod na si Neil Trinidad. Kinansela ng Comelec ang certificate of candidacy ni Neil Trinidad matapos mapatunayang wala itong intensyong tumakbo sa posisyon. Nabigo rin si Neil na magsumite ng patunay o anumang dokumento na hindi siya nasulsulan lamang para tumakbo at nais niya talagang kumandidato.