Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa tapat ng Sea Oil gasoline station sa may Tandang Sora, Culiat, ng nabanggit na lungsod. Nabatid na naglalakad ang biktima nang pumarada ang isang kotse sa harapan nito at bumaba ang tatlong suspek. Agad na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek si Perdido ngunit nagawa nitong makipagbuno.
Napagtulungan naman ng mga suspek ang biktima hanggang sa sunud-sunod na itong paulanan ng bala. Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng dala nilang kotse matapos ang pamamaril. Narekober naman ng pulisya ang isang replica toy gun na 9mm. pistol na pagmamay-ari umano ng biktima at 15 basyo ng bala na ginamit ng mga suspek sa krimen. (Danilo Garcia)