Sinabi ni Fernandez na pasakay na siya sa kanyang kotse makaraang mamili sa naturang Mall bandang alas-12:30 ng tanghali nang lapitan siya ng dalawang nakasibilyang lalaki.
"Mayroon yata kayong items na hindi binayaran. Parang ganoon. Nagduda ako kasi nasa loob na ako ng kotse. Wala rin silang ID at para silang mga maton," sabi ng aktres.
Nagtungo si Fernandez sa pinakamalapit na gate ng subdivision para magpatulong sa mga guwardiya roon. Tumuloy sila sa Parañaque City Police Community Precinct-6 para ipaimbestiga ang insidente. Wala namang nakuhang stick ng lip gloss sa kanyang bag ang mga pulis.
Sinabi ni Fernandez na pinapatawad na niya ang mga guwardiya ng Shopwise bagaman baka kasuhan niya ang pangasiwaan nito kung hindi magpapalabas ng public apology.