Lighter lang, nagwala na!

Isang Aleman na patungong Thailand ang dinakip ng mga operatiba ng Aviation Security Group matapos magwala at pagmumurahin ang mga pulis at airport employees nang kumpiskahin ang kanyang dalang lighter at pilit na pinababayaran sa Ninoy Aquino International Airport kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Police Center of Aviation Security, ang suspek na si Kurt Wnfried Weiding, 50, binata, Deutsh national at tubong-Monchengladbach, Germany.

Si Weiding ay nakatakdang sumakay ng Kuwait Airways flight KU 412 patungong Bangkok, Thailand nang sitahin sa final checkpoint sa departure area ng NAIA Terminal 1 dahil sa dala niyang lighter. (Ellen Fernando)

Show comments