Ekonomiya isusulong sa bagong Paco Market

Muling pinatunayan ni Manila Mayor Lito Atienza na ang kanyang Buhayin ang Maynila urban renewal and development program ang tunay na nagpapataas ng pamumuhay ng mga Manileño at nagkakaloob ng pantay-pantay na oportunidad sa ekonomiya matapos na buksan sa publiko ang bagong Paco Public Market. Ang Paco Public Market, kabilang sa pinakamatandang palengke sa Maynila at isa sa pundasyon sa larangan ng ekonomiya ay napabayaan ng mga nakaraang administrasyon hanggang sa ito ay mabulok at halos hindi na mapakinabangan. Sinabi ni Market Administrator Adil Khan na ang dating kabuuan ng lugar at ng pamilihan ay napakarumi at walang kaayusan hanggang sa pasimulan ng Manila Inner-City Development Committee na dating pinangangasiwaan ni leading mayoralty bet Ali Atienza ang pagpaplano at pagsasagawa ng bago at modernong palengke ng Paco. "Ngayon ay mas mapapakinabangan na ng mga manininda at ng mamimili ang Paco Public Market. Noon, nagkakani-kanya at naglalamangan ang mga manininda sa labas ng palengke. Unahan ng puwesto dahil ang loob ng palengke ay hindi na napapakinabangan. Madilim, masukal at mabaho ang loob kaya walang pumapasok na mamimili. Ang pagsasaayos ng Paco Public Market ay isa lamang sa mga pamilihan na direktang pinangangasiwaan ng Manila Inner-City Development Committee sa malawakan na mga ideya ng dating chairman nito na si Ali Atienza na nangakong ipagpapatuloy ang mga ganitong programa sa sandaling mahalal na alkalde sa darating na halalan.

Show comments