Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Lito Lapid at ang kanyang mga kasamahan sa Kampi-Lakas sa ginawa ni Binay.
"Kami po ay lubos na nalulungkot at hindi nakarating si Mayor Binay at ang kanyang mga kapartido bagaman ang ating pakay ay ang katahimikan, kabutihan at kaligtasan ng mga residente ng Makati," sabi pa ni Lapid na kalaban ni Binay sa pagka-alkalde ng lunsod sa halalan sa Mayo 14.
Kabilang pa sa inimbitahan sa covenant ang kinatawan ng Commission on Elections, Philippine National Police at Parish Pastoral Council for Responsible Voting.