3 tutok-kalawit tiklo

Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong kilabot na miyembro ng Tutok Kalawit Gang nang biktimahin ng mga ito ang isang estudyante at kunin ang cellphone nito sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng MPD- Binondo Station ang suspect na sina Francis Ballecer, 26, ng 786 Sevilla St., Binondo; Ronaldo Vinas, 18, at Archie Pecario, 19, pawang residente ng 565 Balderama St., Binondo matapos na ireklamo ng biktimang si Johndel Pamposa, 18 ng 718 Camba St., Binondo, Manila.

Gayunman, hindi na nabawi ang Nokia 2010 na cellphone, cash na P1,400 at iPod na halagang P1,500 ng bikima dahil hinihinalang ipinasa ito ng mga suspect sa iba nilang kasamahang nakatakas. (Doris M. Franche)

Show comments