Nene ‘inaswang’ sa bahay-bahayan

Nalansi ng isang 13-anyos na binatilyo ang kapitbahay niyang batang babae nang yayain niya itong maglaro ng bahay-bahayan at pagsamantalahan sa bahay ng kanyang lola sa Malabon City.

Kasalukuyan pang nakakalaya ang suspek na itinago sa pangalang "Junie", grade 6 ng Dulong Hernandez st., ng nasabing lungsod.

Sinamahan naman ng kanyang kaanak sa presinto upang magreklamo ang biktimang itinago sa pangalang Annie, 6, ng nasabing lugar.

Nabatid na noong umaga ng March 15, niyaya ng suspek ang biktima na maglaro ng bahay-bahayan sa loob ng kuwarto ng kanyang lola. Doon, sinimulang halayin ng suspek ang biktima at nilansi ito sa pagsasabing bahagi ng pagiging mag-asawa nila kunwari ang pagniniig.

Makalipas ang ilang araw ay naikuwento ng biktima sa kanyang kaanak ang ginawa sa kanya ng suspect kaya naaresto ito. (Lordeth Bonilla)

Show comments