Ayon kay ret. General Jose Calimlim, hepe ng Anti-Smuggling Task Force na ang mga nasabing sasakyan ay kinabibilangan ng mga imported cars tulad ng Corvette, Nissan. Idinagdag pa ni Calimlim na may dalawa pang auto shops sa Quezon City ang kanilang target na i-raid kung saan ay may 11 pang sasakyan ang irerekober ng task force.
Lumilitaw sa report na ang mga smuggled luxury car ay nakapasok sa bansa ng wala umanong binabayarang buwis.
Sinabi ni Calimlim na ang smuggling ay isa sa mga sinasawata ng pamahalaan at nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa.
Aniya, ang mga nasabing sasakyan ay pinuslit mula sa Subic Bay Free Port kung saan ay inaalam na ngayon ng nga awtoridad kung sino ang contact ni Decena sa Subic at Bureau of Customs (BoC). (Doris M. Franche)