Presyo ng LPG muling nag-rollback

Muli na namang nagbaba ng 50 sentimos sa presyo ng produktong Liquified Petrolium Gas (LPG) ang isang grupo matapos na bumaba ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. Ikapito na ito sa taong ito.

Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPG Marketers Association na simula ngayong alas-12:01 ng madaling-araw ay kanila nang ipapaimplementa ang panibagong presyo ng LPG na may kabuuang pagbaba na P5.50 kada 11 kg na tangke.

Dagdag pa ni Ty na ang panibagong rollback ay bunsod na rin ng pagbaba ng contact price nito sa world market dahil na rin sa paglakas ng piso kontra sa dolyar.

Pahayag pa ni Ty na kung magtutuloy-tuloy ang ganitong trend ay makakaasa pa ang publiko ng lingguhang rollback.

Mula ng pumasok ang 2007 ay pang-pitong rollback na ang ikinasa ng grupo ni Ty na may kabuuang P3.50 kada kilo o P40.50 kada 11 kg ng tangke nito. (Edwin Balasa)

Show comments