Sa isinampang reklamo ni Kenneth Montegrande na Reporter ng pahayagang Tanod at Broadcaster ng DZME at Raymund Antonio, Reporter ng Manila Bulletin at isang sibilyan na si Cris Reyes, papalabas na sila ng nasabing gusali nang harangin sila ng security guard na nakilala sa apelyidong Velasco at hamunin ng suntukan.
Ayon kay Montegrande at Antonio, batay sa kanilang sumbong kay City Administrator Dino Nable, bago naganap ang pambabastos dakong alas-10:15 ng umaga kahapon, habang papasok sa nasabing gusali si Montegrande, masama at matalim na ang tingin ni Velasco na ipinagtaka nito.
Pinalampas na ni Montegrande ang masamang tingin ni Velasco at paghahamon ng suntukan, na sa halip na patulan ay inireklamo na lamang kay Nable, gayunman, sa paglabas nina Montegrande, Antonio at Reyes sa gusali ng city hall upang mananghalian, muling naghamon ni Velasco ng away at sinabing "Ano, kakasa ka?" Kasunod pa nito ang pinakawalang sunud-sunod na mura.
Dahil sa kahihiyang inabot ng tatlo, muli na lamang pinalampas nina Antonio, Montegrande at Reyes ang ipinakitang ugali ni Velasco at sinabing hihintayin na lamang nila ang magiging aksyon ni Mayor Atienza hinggil sa nasabing guwardiya.