Idineklara si Bagatsing kasama ang 36 na kandidato para konsehal ni Mayor Lito Atienza.
Pinili si Bagatsing matapos ang tatlong araw na konsultasyon sa lahat ng pinuno sa anim na distrito sa lungsod kung saan nakamit niya ang karamihan ng boto sa iba’t ibang sektor para opisyal na kandidato ng partido sa darating na eleksyon.
Nakamit ni Bagatsing ang landslide victory laban sa ilang opisyal ng lungsod na naghahangad ding tumakbo sa pagkabise alkalde sa botong 2,400 o 85 porsyento ng kabuuang 3,000 nabilang boto sa lahat ng distrito.
Sinabi ni Mayor Atienza na nabura na ang agam-agam na maaaring biglang tumakbo si Pacquaio bilang running-mate ni Ali sa pagkakahirang kay Bagatsing. Hindi naman nito pinasinungalingan na nagpahayag si Pacquaio ng pagnanais na tumakbo sa Maynila ngunit hindi na ito natuloy.
Naniniwala rin si Atienza na malaki ang tiyansa ni Bagatsing na talunin ang makakalaban sa eleksyon dahil sa matagal na nitong karanasan sa politika kung saan nanungkulan ito bilang Deputy Mayor. (Danilo Garcia)