Kinilala ang biktima na si Rosalinda Sonza, 49, may-asawa, nakatira sa Block 51, Lot 8-I, Phase 3 F2, Kaunlaran Village, Dagat-dagatan
Sa imbestigasyon ni PO1 Anthony Anzures, may-hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng hapon nang looban ang tirahan ng ginang habang nasa trabaho ito at naiwan ang kanyang 8-anyos na anak na si Gerson at kasambahay na si Aurora Panganiban.
Ayon sa salaysay ni Panganiban, tatlong lalaki ang dumating sa bahay ng amo at nagpakilala silang mga emplyeado ng PLDT at umano’y may kukumpunihing linya ng telepono.
Nang pagbuksan ng katulong ang mga suspect ay agad umano siyang tinutukan ng baril saka inutusang pumasok sa loob ng kuwarto at iginapos ang kanyang mga kamay. Nakita ng mga suspect ang bata at tinakot na papatayin saka itinabi sa katulong na itinali.
Dito ay mabilis na sinimulan ng mga suspect ang maghalughog sa loob ng kabahayan at nilimas ang mga alahas na nagkakahalaga ng P500,000; P200,000 cash; Sony digital camera na nagkakahalaga ng P28,000; cellphone na Nokia 5210 (P4,000); at isang gameboy (P6,000).
Malaki ang paniwala ng pulisya na matagal nang tinitiktikan ng mga suspect ang bahay ng biktima at nang makitang pumasok ito sa opisina ay dito isinagawa ang kanilang planong pagnanakaw.