Tumanggi sa tagay, sinaksak ng kapitbahay

Nasawi ang isang 23-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang kapitbahay matapos na tumanggi ito sa iniaalok na tagay ng alak, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nasawi dahil sa mga saksak sa dibdib ang biktimang si Rey Santos, ng Permanent Housing, Balut, Tondo.

Nakatakas naman ang dalawang suspect. Isa lamang ang nakilala na si Nelson Abalos.

Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Bldg. 4. Nag-iinuman ang biktimang si Santos at mga kabarkada dahil sa kaarawan ng isa niyang tropa nang magpahatid ang babaeng si Jennet.

Sa unang palapag ng gusali, nag-iinuman din ang grupo ng mga suspect kung saan inalok ng tagay ni Abalos si Santos na tumanggi. Isang pagtatalo ang sumiklab hanggang sa saksakin ang huli sa dibdib. (Danilo Garcia)

Show comments