Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng Parañaque City police ang pangalan ng biktima at inaalam din kung ito ba ay binaril o sinaksak.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10:23 ng umaga nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa panulukan ng Bodoni at Guideline streets, Area 3, Fourth State, Brgy. San Antonio ang bangkay ng lalaki kung saan sukbit ang isang kalibre .38 baril sa beywang.
Ang bangkay na natuklasan dahil naman sa umaalingasaw na mabahong amoy na nalalanghap ng mga residente rito. (Lordeth Bonilla)