Nagtamo ng tama ng bala buhat sa kalibre .45 baril sa kanang hita at binti si PO2 Joel Sembre, 35, ng Yakal St., Brgy. Capri, Novaliches, ng nabanggit na lungsod at nakatalaga sa Task Force Salinlahi sa Camp Crame.
Samantala, pinaghahanap naman ang nakababatang kapatid nito na si Dionisio, 31 na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-8 ng gabi kamakalawa ng maganap ang insidente sa bahay ng pulis.
Bigla na lamang umanong inagaw ng suspect ang baril ng utol na pulis at saka pinaputok ng dalawang beses sa huli. Sinasabing minasama marahil ng suspect ang payo ng pulis na umuwi na lamang ang una sa kanilang probinsiya.
Napag-alaman pa na ibat-ibang bisyo ang ginagawa ng suspect kaya pinaalalahanan ito ng pulis na minasama naman ng nakababatang kapatid at humantong sa pamamaril. (Doris Franche)