Ito ang ibinulgar kahapon ng ilang sources kabilang ang mga asawa nina 1st Lt. Sonny Sarmiento at 2nd Lt. Aldrin Baldonado.
Gayunman, agad naman itong pinabulaanan ni Army Spokesman Major Ernesto Torres sa pagsasabing tinatrato nila ng maayos alinsunod sa kanilang karapatang pantao ang naturang mga detenidong mutineers.
Nang matanong naman kung pinupuwersa ng kanilang mga custodian sina Sarmiento at Baldonado na lumagda sa dokumento ay sinabi ni Torres na wala siyang alam sa bagay na ito.
Ayon kay Wilma Baldonado ang kanyang mister na si Baldonado at isa pang mutineer na si Sarmiento ay kapwa nakabartolina at hindi pinahihintulutang magbasa ng anumang mga babasahin, wala ring mga suklay, pang-ahit, nail cutters at sinisilbihan lamang umano ng konting pagkain sa araw-araw.
Samantalang makipot rin umano ang kuwarto ng mga ito na halos kadikit ng comfort room at isa lamang ang bintana ng selda sa loob ng Intelligence Service Group (ISG) sa Fort Bonifacio. Hindi rin umano ang mga ito pinahihintulutang makalabas ng kanilang selda.
Sa pagtanggap naman ng bisita ay pinahihintulutan lamang ito sa loob ng kalahating oras tuwing Sabado at Linggo at habang dinadala sa visitors area ay pinipiringan pa.
Ayon sa sources, tinotorture umanoi sina Baldonado at Sarmiento para mapilitan ang mga ito na lumagda sa isang dokumento na inihanda ng Philippine Army para isabit ang ilang mga personalidad partikular na mula sa oposisyon na mga pinaghihinalaang coddlers ng Magdalo mutineers sa panahong tinutugis ang mga ito ng batas.